nginiig...
Mayo 3, 2006...miyerkules ng gabi...pasado alas-nuwebe ng gabi ng napagdesisyunan na namin (ako, dayan at jhing) umuwi mula sa opisina. wala ng tao sa ikalawang palapag ng opisina kungdi kaming 3 na lamang. di inaasahan, dumating si sir lito at nagkataong kinausap nina dayan at jhing. Nang di ko namamalayan, sa kasarapan ng paguusap nila, di ko nabatid na tanging ako na lang pala ang nagiisa sa palapag na iyon. (samaktuwid, bumaba na pala sila at doon na nila ako hihintayin). pagkapatay ng aking kompyuter, minabuti kong tingnan ang printer at kompyuter kung saan ito nakakabit. Sa di inaasahang pagkakataon, naulinigan ko ang isang "kalansing" o tunog na wari'y nangagaling sa loob ng kwarto ng aking boss. batid ko na ang tunog ay di nagmumula sa fax machine. sa hinalang baka may daga o tao pa, tiningnan ko ito...ang resulta? wala ni hayop o kung ano man. dahilan nga sa akala'y ako'y di pa nakapatay ung printer at ung kompyuter, tiningan ko muli ito..para bagang "double check". muli, ang tunog ay aking narinig. sa pagkakataong ito, minabuti kong lumapit ng kaunti upang tingnan ang kwarto. ang resulta? kita ko ung keyboard na kusang gumagalaw/pumipindot. di ko na minabuti titigan pa o magtagal bagkus ay tumakbo ako at napasigaw ng ...haaaa....ayoko na!!!!!!!!!! dali-dali akong bumaba ng hagdanan at duon ko lang tlga napagtanto na wala na nga talaga akong kasama sa itaas. halos mamula at di ko maintindihan ang aking namasdan.
tumataas pa rin ang aking balahibo habang isinusulat ko ito. ayoko na munang maiwan mag-isa sa opisina habang ang mga alaala ng aking karanasan ay sariwa pa. sana nga namalikmata lang ako...pero sinasabi ng aking utak...parang hindi..haayyy buhay..
tumataas pa rin ang aking balahibo habang isinusulat ko ito. ayoko na munang maiwan mag-isa sa opisina habang ang mga alaala ng aking karanasan ay sariwa pa. sana nga namalikmata lang ako...pero sinasabi ng aking utak...parang hindi..haayyy buhay..

0 Comments:
Post a Comment
<< Home