Friday, March 11, 2005

masayang malaman...

masayang malaman...
... na ang Pilipinas ay nahirang na isa sa mga masasayang bansa sa mundo ayon sa TimeAsia. Kung di ko pa nakakalimutan tayo ay pangatlo. Ang una at pangalawang bansa ay sinasabing di ganoong maunlad tulad ng mga singapore at japan. nasaad pa rito na ang pagiging masayahin nating mga tao ang siyang isang paraan kung paano natin naiibsan ang kahirapan. kung iisipin nga naman masaya tumira rito sa pilipinas... ang mga tao ay handa laging magbigay ng ngiti sa bawat isa. may rason pa rin tayo upang sumaya sa kabila ng mga krisis. yipeeee...
... na hindi rin ako nawawalan ng pag-asa sa paghahanap ko ng trabaho. marahil oo minsan dumarating sa punto na parang naguguluhan ka, pero wag kang bibitaw joms! "kung para sa u, sa u talaga" ika nga ni rage. grrrr...nabanggit din ang ganitong tema sa kakapanood ko pa lamang na korean film. ito ang tema ko para sa ngayong araw.
... na handa na akong subukan ang mga bagay-bagay.
... na nahandugan namin nina niks at lionel si rage ng isang munting regalo na nagbigay naman ng munting ngiti sa kanyang mukha.
... na hanggang ngayon ay narito ako.....buhay...masayang nabubuhay!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home