Saturday, January 01, 2005

ang mga ilang sandali bago sumapit at ng sumapit na ang bagong taon

"Your purpose is to glorify God and of service to your fellow men."

nakakatuwang isipin na minsan talaga ay akmang akma ung kasabihan na aking binabasa araw-araw sa aking naiisip. gumising ako ng di maganda ang pakiramdam. di dahil sa may lagnat pa ako kungdi dahil sa aking sikmura. patuloy kong nilalaban ang sakit. hindi ako makakain ng maayos. sobrang kakarampot biruin mo. ilang sandali pa pagkatapos makapanghalian, pumunta ako sa kwarto ko at binasa ko ang mga kasabihang aking binabasa araw-araw para makita kung ano ang nasasaad para sa dec. 31. un nga (ung asa itaas). tapos naalala ko ung isa sa mga dinasal ko nung gabing iyon. ang sabi ko "sana maging maayos na po ang pakiramdam ko dahil may mga taong umaasa sa akin". pero bakit ng pagkagising ko eh di maganda pakiramdam ko??? bigla ko na lang naisip na cguro kahit na ganun ang nararamdaman ko may mga magagawa pa rin ako para makatulong. naisip ko na tama nga cguro ako sa sinabi ko sa aking dasal, may mga taong umaasa sa tulong ko.... karamihan naman dito ay ang mga bagay pagdating sa bahay gaya ng pagaayos, pagaasikaso ng mga pagkain at kung ano ano pa... pinilit ko na maging maayos ang aking sarili. sabi ko sa sarili ko "gagaling ako at magiging ok ako". buti na lang at habang nagiihaw, nagaayos ng bahay at naghahanda ay unti unti na akong gumagaling.

di naglaon at sumapit na ang bagong taon. yaon at maayos na ang bahay, hapagkainan at ang aking sarili. habang nakasuot ng pula ay tinawag ko na ang aming mga kasama sa bahay at kami ay lumabas upang pagmasdan ang mga paputok na animo'y mga palamuti sa napakalawak na kalangitan. nagkuhanan din kami ng mga litrato. pagkatapos pagmasdan at manuod sa telebisyon ng mga iba't ibang mga pangyayari, isa lamang ang aking nabatid. may mga pangyayaring di tayo inaasahan na sadyang nagaganap na lamang pero nasa atin ito kung paano natin titignan ang mga bagay-bagay. para sa akin, nabatid ko na ang pagkakawala ko ng sakit bago mag bagong taon ay senyales sa akin na isa itong napakagandang simula ng taon para sa akin. itong bagay na ito ay sadyang pinagpapasalamat ko. kahit maliit na bagay pero para sa akin malaki na ito pagkat magiging ayos ako sa araw ng Jan. 1 kasama ng aking pamilya.

kaya bago ako natulog, lubos kong pinasalamatan SIYA sa isang napakagandang araw sa mga sandali bago sumapit at ng sumapit na ang bagong taon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home